Sa kabilang dako, kung kay Moran ipinagkatiwala ang koponan ng Shell, sarili niyang diskarte ang masusunod. At mahaba pa ang magiging karera ni Alvarez. Marami pa naman siyang lalaruin.
Dadalawang linggo pa lang naman ang inensayo ng unang draft pick sa Shell. Maaari ngang hindi pa siya handa.
May mga NBA superstar na nakaranas din ng ganoon. Sa kanyang unang taon sa NBA, halos di nakalaro sa Toronto Raptors si Tracy McGrady. Sabi niya "Kung maaga pa lang ay isinubo na ako sa mga lobo, mas matalino sana akong manlalaro ngayon. Mas marami sana akong naranasan."
Dominado ni Charles Barkley ang tryouts para sa US Olympic team noong 1984. Maging si Michael Jordan ay di makasabay. Subalit mayroon silang di-pagkakaunawaan ni Coach Bobby Knight, kaya ti-nanggal si Barkley. Sa dalawang halimbawa, nagwagi si Knight, talunan ang Raptors.
Nasa katuwiran si Moran, at nasa karapatan niyang ilaro ang sinumang gusto niya. Pero masama ba, o makakasakit sa Shell kung inilaro niya ng kahit limang minuto ang bata? Ano ba naman ang maging sensitibo sa damdamin ng kanyang manlalaro, kamag-anak at tagahanga nito? Ito bay pagpapakita ng kanyang kapangyarihan?
Nagtatanong lang naman.