Ito ang ipinamalas ng SMC All-Stars, ang good-will basketball team ng San Miguel Corporation, na magsasagawa ng ex-hibition game sa Biyernes upang makalikom ng pondo at makatulong kay Jonjin Tabique, ang UP Fighting Maroon point guard na kamakailan ay nadiskubreng mayroong cancer sa lymph nodes at sumasailalim sa chemo-theraphy treatment.
Ang mga dating UP cagers na sina Benjie Paras at Ronnie Magsa-noc, kabilang na ang dalawa pang miyembro ng PBA 25 Greatest players na sina Samboy Lim at Hector Calma, ang siyang mangunguna sa fund-raiser na gaganapin sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Loyola Heights, Quezon City.
Makakaharap ng SMC All-Stars ang UP Fighting Maroons sa ganap na alas-5:30 ng hapon matapos ang unang laro sa pagitan ng UP at San Beda juniors sa ganap na alas-3 ng hapon.
Kabilang sa mga maglalaro sa SMC All-Stars sina Vince Hizon, Tony Boy Espinosa, Henry Fernandez, Richie Ticzon, Zaldy Realubit, Chito Loyzaga, Ed Cor-dero, Lowell Briones, Bobby Jose at Ronald Magtulis.