Polinar kontra Agapay

Susubukan ni Tata "the Punisher" Polinar, rated No. 12 ng Philippine Boxing Federation, ang kanyang galing kontra kay PBF No. 13 Michael "the Pain" Agapay sa elimination round ngayong gabi sa Philippine Pro-Boxing League National Invitational Jr. Bantamweight Championship.

Mapapanood sa IBC-13 at 9:00 pm sa suporta ng Tan-duay Rhum at Lactovitale, ang dalawang fighters ay mag-uunahan sa pagkuha ng quarterfinal slot sa isa sa four-stage stepladder tournament.

Samantala, ipopormalisa ng PPBL ang kasunduan sa Prime Channel upang mapanood sa Destiny Cable Channel 16 sa Metro Manila at provincial cable sa buong bansa ang pa-boksing tuwing Biyernes, alas-4-5 ng hapon at Linggo 9:30-10:30 ng gabi.

Show comments