Ito ay sina Mark Sanford ng Coca-Cola. Carlos Wheeler ng Red Bull at Randy Holcomb ng Talk N Text. Ito rin ang debut ng mga Purefoods rookies na sina Paul Artadi, James Yap at Ervin Sotto kasama ang kontrobersiyal na PBL MVP na si Peter June Simon.
Inaasahang makaka-pagpakitang gilas din ang rookie ng Coca-Cola na si Gary David, Denver Lopez at Cyrus Baguio ng Red Bull.
Makakatapat ng 67 na si Sanford, beterano ng NBA matapos ma-draft ng Miami noong 1997 na produkto ng Washington University, ang balik PBA import na si Lenny Cooke sa kanilang alas-4:45 ng hapong sagupaan.
Sa ikalawang laro, magkakasubukan naman sina 66 Wheeler, naglaro sa Pensacola Junior College at kagagaling lamang sa liga sa Egypt, at Holcomb, galing sa San Diego State at naglaro sa Atlanta Hawks, sa alas-7:00 ng gabing sagupaan ng Barakos at Phone Pals.
Ang second game lamang ang mapapanood ng live sa ABC-5 habang ang first game ay bukas pa ipapalabas.
Umaasa naman ang mga rookies na hindi sila matutulad sa top draft pick na si Rich Alvarez na ibinangko ng Amerika-nong Shell coach na si John Moran sa pagkatalo ng Turbo Chargers noong opening day, 81-90.
Makakatulong ni Hol-comb ang mga bagong salta sa Talk N Text na sina Willy Miller at Yancy de Ocampo kasama ang 1-2 punch ng Phone Pals na sina Paul Asi Taulava, ang 2003 MVP at Jimmy Alapag, ang Rookie of the Year.
Magde-debut din si Jun Limpot sa kanyang bagong team na Pure-foods para makatulong ni Cooke, Eddie Laure, Ker-by Raymundo, Alvin Patri-monio at iba pa. (CVOchoa)