^

PSN Palaro

TALK 'N TEXT KLARO ANG SIGNAL

FREE THROWS - AC Zaldivar -
COCA-COLA at Talk 'N Text ang siyang pinakadominanteng koponan sa nagdaang season ng Philippine Basketball Association. Ito’y base sa kanilang won-lost record. Ang Coca-Cola ang siyang No. 1 team samantalang ang Talk N Text ang No. 2.

Kapwa nagwagi ng tig-isang kampeonato ang Tigers at ang Phone Pals noong 2003. Subalit kung titingnang maigi ang halaga ng titulong naisubi nila, masasabing naka-aangat ang Talk N Text.

Kasi nga’y nagkampeon ang Phone Pals sa All-Filipino Cup samantalang nanalo ang Tigers sa Reinforced Conference kung saan natulungan sila ng import na si Artemus McClary. Base dito, masasabing papunta sa kasalukuyang season, ang Phone Pals ang siyang maituturing na top contender.

At maraming umaayon diyan.

Kung tatanggalin natin ang imports sa Fiesta Cup na nagsimula kahapon, masasabing mas matindi ang naging build-up ng Talk N Text kaysa sa Coca-Cola.

Bakit?

Aba’y tatlong mahuhusay na manlalaro ang naidagdag ni coach Joel Banal sa kanyang line-up at mga beterano pa ito samantalang isang rookie lang ang nadagdag sa Coca-Cola.

Nakuha ng Phone Pals ang 2002 Most Valuable Player na si Willie Miller buhat sa Red Bull Barako ng halos walang ibinibigay na kapalit. Pagkatapos ay ipinamigay nila ang No. 9 pick sa nakaraang draft kapalit naman ang batang sentro na si Yancy de Ocampo. Ang huling manlalarong idinagdag ni Banal sa kanyang line-up ay ang 6’5 shooter na si Allan Salangsang, isang free agent na naglaro sa PBL Platinum Cup champion Fash Liquid.

Dalawang rookies ang kinuha ni Banal sa Draft at ito’y sina Niño Gelis at Chris Guerrero subalit magsisilbi lang ang mga ito bilang practice players.

Sa kabilang dako, tanging ang PBL Untity Cup MVP na si Gary David ang naidagdag sa line-up ng Coca-Cola. Ayon kay coach Vincent "Chot" Reyes, hindi na naman kailangan ng maraming pagbabago sa kanyang team dahil nga sa nakarating naman sila sa Finals ng huling apat na conferences ng PBA.

Puwes, titingnan natin kung tama ang naging desisyong ito ng Coca-Cola. Sa pananaw namin ay tama naman ito. Hangga’t hindi tumitirik ang Coca-Cola ay hindi dapat na baguhin ang isang winning formula.

Sa panig ng Talk N Text, tama lang na magi-improve ang kanilang line-up. Second best team sila noong isang taon at ang kanilang target ay maging No. 1 sa season n a ito.

Sa tatlong bagong additions sa Talk N Text, lumakas nga nang husto ang tropa ni Banal. Kasi, halos wala nang bangko sa kanyang line-up, e. Siguro, tanging si William Kahi Villa ang hindi mabibigyan ng mahabang playing time o hindi maipapasok. Ang 11 ibang manlalarong pinangungunahan nina Paul Asi Taulava, Jimmy Alapag at Harvey Carey ay magagamit nang husto.

Problema nga ni Banal kung paano bibigyan ng sapat na playing time ang lahat. Tiyak na ninipis ang exposure ng iba.

Pero hindi sila dapat magtampo. Lahat ay dapat na magsakripisyo upang matupad ang pangarap nilang maging No.1.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ALLAN SALANGSANG

ANG COCA-COLA

CHRIS GUERRERO

COCA

COCA-COLA

COLA

FASH LIQUID

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with