Lady Pelicans, kampeon sa Petron Beach Volley
February 23, 2004 | 12:00am
CLARK FIELD, Pampanga - Hindi binigo ng matitikas na tambalan nina Layna Macapagal at Mylene Manuel ng University of Assumption-Pampanga A ang kanilang mga panatiko kahapon nang umiskor ng impresibong panalo.
Mula sa limang puntos na pagkakabaon sa ikalawang set, isang malakas na pagbangon ang isinagawa ng mag-partner at kanilang ikinamada ang 21-18, 22-20 panalo laban sa magiting na nakipaglabang sina Jackie Montenegro at Karla San Diego ng University of the Philippines sa finals at ibulsa ang korona sa unang yugto ng Petron Ladies Beach Volleyball sa Clearwater Country Club dito.
Suportado ng kanilang teammates at school opisyal, kinuha nina Macapagal at Manuel ang 7-0 kalamangan sa panimula ng ikalawang set bago tinalo ang tambalang Montenegro at San Diego sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng serbisyo at smash sa huling pitong possessions. Nagawa nilang makabalik mula sa 18-20 deficit upang iseguro ang 2-0 sweep sa kanilang best-of-three title series sa sarili nilang tahanan.
Bukod sa kanilang panalo, napagwagian rin ng dalawang Lady Peli-cans ang kanilang inisyal na major beach volleyball title sa kanilang unang tangka nang ang UA-P ay magpadala ng tatlong koponan sa tournament.
Ang magkapartner ay nagbulsa ng P10,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended