First timers nagpasiklab
February 22, 2004 | 12:00am
CLARK FIELD, PAMPANGA--Agad na nagpakita ang first timers na sina Layna Macapagal at Mylene Manuel ng mapanganib nilang kilos nang kanilang dominahin ang betaranang pares upang kumubra ng dala-wang puntos nat pansamantalang hawakan ang kalamangan sa elimi-nation round ng unang yugto ng Petron Ladies Beach Volleyball sa Clearwater Country Club dito.
"Its been a long time that Mylene and I have been teammates in school, so we know each others game so well," pahayag ni Macapagal.
Taglay ang kanilang mga pamatay na spikes, pinayukod nila ang tambalan nina Sherly Abello at Theresa Lopez ng Philippine School of Business Administration, 21-5 bago ginapi ang kapwa nila Pampangueños na sina Merryl Yalung at Danica Macalino, 21-6 para irehistro ang 2-0 record sa beach volley tournament na ito na presinta ng Petron at ang Speedo ang siyang opisyal na kasuotan.
Nakasalo ng dalawang nabanggit sa liderato ang Group A lider na si Jackie Montefrio at Karla San Diego na gumawa ng malaking sorpresa nang kanilang hiyain ang mga crowd favorite na sina Rosalina Gomez at Menchie Gardener, 21-12 sa unang laro.
Ilang oras lamang ang nakararaan, muling humataw ang duo ng Uni-versity of the Philippines nang kanilang yanigin ang pares nina Abello at Lopez sa 21-18.
Ang top two finishers sa bawat grupo na binubuo ng limang koponan ang maglalaban para sa semifinals na gaganapin ngayon.
Samantala, naungusan ng pareha nina Roma Jaro at Joyce Anne Rea-leza ang mas matataas na kalaban upang trangkuhan ang Group B sa pagposte ng dalawang panalo sa pagbubukas ng hostilidad ng event na ito.
Pinadapa ng 19-anyos na si Jaro at ng 17-gulang na si Realeza, ang pinakamaliit at batang tambalan sa 10-team field ang pareha nina Mary Gallano at Sharon Ledesma, 21-12, habang pinigil nila ang pares nina Isabel Granada at Marisol Teves, 21-10.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended