Piyestang-piyesta ang PBA sa Linggo
February 21, 2004 | 12:00am
Piyestang-piyesta ang dating ng opening ceremonies na inihanda ng PBA para sa Fiesta Cup na magsisimula bukas.
Alas-12:00 ng tanghali pa lamang ay magsisimula na ang aktibidades para sa grand opening ng 2004 season ng PBA ngunit ang pormal na opening ceremonies ay sisimulan ng alas-4:00 ng hapon.
Magkakaroon ng motorcade ang 10 teams mula sa PhilSports Arena hanggang sa Araneta Coliseum kung saan idaraos ang tradisyunal na pambungad na seremonya para sa ika-30th season ng PBA.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng outreach lunch ang buong pamilya ng PBA kasama ng 150 kabataan mula sa Childrens Hour at sa Batang Pinahan.
Magkakaroon ng palaro para sa mga bata at pagkatapos nito ay isang misa ang idaraos sa alas-2:30 ng hapon.
Ang hosts ng programa ay sina Allan K at Ruffa Mae Quinto kung saan may kabuuang 180 dancers ang sasayaw para sa bagong theme song ng liga na PBA Ito ang Game Ko.
Magkakaroon din ng live performances ang Parokya ni Edgar.
Tulad ng nakaugalian, ipapakilala ang 10 teams kasama ang kanilang mga naggagandahang muse.
Para sa Ginebra, ang mga muses ay sina Belinda Bright at Maricar de Mesa, Si Jenny Manuel sa San Miguel, Nancy Castillogne sa Talk N Text, Michelle Estevez sa Shell, Iza Calsado sa Coca-Cola, Katrina Perez sa FedEx at Djela Glovovic sa Red Bull.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended