^

PSN Palaro

RP swimmers pinuri ng First Couple

-
Nagpahayag kahapon ng kasiyahan si First Gentleman Atty. Mike Arroyo matapos na marinig mula kay Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na tuluyan ng naibahagi sa Philippines ang gin-tong medalya sa Swimming competitions ng Vietnam Southeast Asian Games.

Ayon kay Buhain, ipinadala ni Atty. Arroyo ang nasabing magandang balita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsabi naman ng kanyang papuri sa mga Filipino swimmers dahil sa kanilang panalo.

Pinasalamatan rin ni Buhain ang mga top officials ng Southeast Asian Games Federation at ang organizers sa pagdedeklara ng panalo ng Philippines sa men’s 4x200 meters free-style relay.

At sa kasagsagan ng Vietnam SEAG, pumayag si Nguyen Danh Thai, president ng 22nd SEA Games Federation sa kahilingan ni Buhain sa federation na i-review ang apela ng Filipi-nos na dahil sa pagkatalo ng bansa ng ginto sa nasabing event.

At dahil na rin sa utos ni First Gentleman na pagsikapan niyang maiprisinta ang kaso at pormal na makapagpadala ng sulat para sa apela sa Federation sa isinasagawang SEA Games Sports Ministers Meeting sa Daewoo Hotel sa Hanoi. Ang katayuan ni Buhain sa PSC ay katumbas na rin ng sports minister ng iba pang SEA Games countries.

"This is for our swimmers who trained so hard to deliver and most especially, this is for the country," pahayag ni Buhain, na isa ring champion swimmer na siya ring kumumpirma ng pagkasira ng computer sa Vietnam na naging dahilan ng pagkadiskuwalipika ng RP swimmers.

"Even though Philippine swimming has performed above expectations, I strongly believe, being a former swimmer and coach myself, that the boys own and deserve that relay gold medal," ani pa ni Buhain.

Kabilang sina Miguel Mendoza, Miguel Molina at Carlo Piccio sa 85 medal potentials at nabenipis-yuhan ng ‘Medalyang Ginto, May Laban Tayo’ project ng First Gentleman Foundation.

Idinagdag pa ni Buhain na ang relay team members ay ginagarantiyahan na makakakuha ng kanilang insentibo dahil sa kanilang gintong napanalunan.

Sina Mendoza, Molina, Piccio at Mark Kalaw ay na-diskuwalipika sa pagsungkit ng ginto sa 4x200 free-style relay dahil na rin sa pagkakamali ng computer na naitala na nauna ng tumalon si Mendoza bago pa man natapik ni Molina ang pad. At sa printout ng event, nakita na nagkamali ang computer.

BUHAIN

CARLO PICCIO

DAEWOO HOTEL

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

FIRST GENTLEMAN FOUNDATION

GAMES FEDERATION

GAMES SPORTS MINISTERS MEETING

MARK KALAW

MAY LABAN TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with