^

PSN Palaro

Lalong nabulabog

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Worried si Graham Lim dahil pati raw personal na buhay niya ay nadadamay sa issue na kinasangkutan niya recently.

"Parang nawala na sa issue ang mga lumalabas, parang nalihis na, and for me, that’s not fair and that’s not good anymore," sabi ni Graham.

Sinabi ni Graham na kahit kailan, hindi niya naisip na maitsa-pwera ang PBA sa eksena. Nabanggit niya lang yun na may programa nga naman sila sa BAP at kung siya ang tatanungin, mas gugustutuhin niyang makita ang resulta nung programa na hawak ng BAP para sa mga future national basketball teams.

"Pero kung yan man ang paniniwala ko, paniniwala ko lang yun. Hindi ako ang BAP. Officer lang ako, at isa lang ako sa marami. Ano man ang gustuhin ko, hindi ibig sabihin eh gusto rin ng ibang nasa position sa BAP. What I say is definitely not BAP’s stand so why the worry of other people? " dagdag ni Graham.

Hiniling na niya sa Lhuillier na mag-issue ng official statement na kahit kailan, hindi sila nanghingi P20 Million o kahit na anumang halaga sa kanya for the purpose of buying out the national team, tulad ng nailabas sa ibang issue. Yan ay idinaan niya raw kay Danny Francisco.
* * *
Nabulabog si Graham sa paglalabas niya ng statement na hindi na raw kukunin ang serbisyo ng PBA para sa ating mga national teams.

Wala akong kinakampihan sa issue na ito. Pero nagbigay ako ng opinyon ko na ako man, naniniwala akong tama ang desisyon na huwag na ring maglagay ng PBA players sa national team, lalo na kung ang ilalagay natin ay mga Fil-Ams o Fil-shams, tulad ng nangyari sa nakaraang Asian Games.

Baka naman nakalimutan nyo na agad na halos puro Fil-Ams ang nasa line-up natin sa Busan Asian Games pero ano ang nangyari, fourth place tayo at maging ang team na Kazakhstan ba yan ay nalagpasan tayo?

Puro English-spokening dollar ang mga players natin sa Busan, Korea kung saan ginanap yung Asian Games.

Dahil halos wala na sa kanila ang nakakapagsalita ng purong Tagalog (except sa ilan tulad ni Danny Ildefonso , ano ang tanong ng mga Koreano sa photographer na si Tony Lu habang naglalaro sa Busan ang mga supposed-to-be eh Pinoy na players natin ?

"Are they all Filipinos? Are they really Filipinos?. Are you sure they’re Filipinos?"

Na siyempre, hindi naman masagot ni Tony Lu dahil alam niya sa puso niya na hindi purong Pinoy ang team natin doon.

ASIAN GAMES

BUSAN

BUSAN ASIAN GAMES

DANNY FRANCISCO

DANNY ILDEFONSO

FIL-AMS

GRAHAM LIM

NIYA

TONY LU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with