Napagwagian ni Ceramiche Panarias Ruben Bongiorno ang 84-km, 12-lap circuit race na nagpakita sa 55-man group na dumating sa finish line na pare-pareho ang isinumiteng oras.
Ang inaasahang massed finish ay hindi natupad nang ang mga riders ay dumating nang halos magkakalumpon, gayunpaman, ito ay nag-karoon ng malaking epekto sa overall team standings.
Nakopo ng yellow-jersey holder na si Marlon Perez ng Colombio Selle Italia ang korona ng tour nang kanyang igupo ang second placer na si Ryan Cox ng Chocolde ng 48 segundo lamang mata-pos ang 10-araw ng laba-nan na nagsimula sa 147 riders kung saan 127 lamang ang nakaligtas.
Nananatiling intact ang seven-kataong Team Pagcor at tumapos sa likod ng Asian Team champion Iran, Japan at China.
At ito ay laking pasa-salamat kina Tanguilig at Reynante na pumosisyon ng 8th at 9th place at nalampasan ng Filipinos ang kanilang pagtatapos noong nakaraang taon sa overall team classification at hindi na ito masamang performance para sa limang Asian squads.
Tumapos sina Tangui-lig ng 44th place at si Rey-nante ng 47th spot sa overall.
"The team was only formed three weeks and we were informed of our participation (in the tour) only five days before the start of the competition. Its a commendable perfor-mance because we were the best Southeast Asian finisher," pahayag ni coach Cezar Lobra-monte.
Nakaungos sa Team Pagcor ang host Malaysia at Indonesias Wismilak sa pangunguna ni Tonton Susanto na pumuwesto ng ikatlo sa Asian Classi-fication sa likod ng top finisher na si Ghader Mizbani at Ahadi Kazemi.
Kabilang din sa Asias Top 10 sina Yasutaka Ta-shiro ng Japan (4th), Razahli Razulneesha ng Malaysia (5th), Xueli Jiang (6th) at Xiaobin Shao (7th) ng China at Shinichi Fuku-shima (10th) ng Japan.
Nasungkit naman ng Team Barloworld ang karangalan sa General Classification.