9 provincial games itinakda ng PBA
February 16, 2004 | 12:00am
Siyam na provincial games ang naka-schedule sa elimination round ng PBA Fiesta Cup na magsisimula sa Linggo sa Araneta Coliseum.
Aabot ang PBA ng hanggang Bataan at Davao City na huling dinalaw ng PBA, tatlong taon na ang nakakaraan.
Ang unang provincial game ay sa General Santos City kung saan maglalaban ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs at Shell Velocity sa March 4. Sa March 11, magsasagupa ang crowd favorite Barangay Ginebra at FedEx sa Bataan na susundan ng laban sa pagitan ng San Miguel Beer at Coca-Cola sa Dumaguete City sa March 8. Sa March 25, haharapin ng Red Bull Barako ang Alaska Aces sa Cebu City.
Sa April 1, dadalaw ang Talk N Text at Purefoods sa Tacloban City.
Magkakaroon ng break para sa pagpapali-pas ng Semana Santa bago dumako ang PBA sa Zamboanga City kung saan magduduwelo ang Sta. Lucia Realty at Coca-Cola sa April 5.
Sa April 22, sasagupain ng Barangay Ginebra ang Alaska Aces sa Palawan. Sa April 29 ang Red Bull at Sta. Lucia Realty ay maghaharap sa Davao.
Ang huling provincial game ay sa May 6 sa Lucena City para sa San Miguel-Talk N Text game.
Ang mga laro sa Metro Manila games ng Fiesta Cup ay tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo habang ang mga provincial matches ay tuwing Huwebes, alas-6:00 ng gabi na mapapanood sa ABC Channel 5 sa alas- 7:00.
Ang Saturday at Sunday matches ay ipapalabas ng alas-4:00 ng hapon habang ang second game lamang ang mapapanood ng live tuwing Miyerkules. Ang first game ay ipapalabas ng Biyernes, alas-7:00 ng gabi.
Ang opening game ay sa pagitan ng Turbo Chargers at Gin Kings.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended