May dahilan para ngumiti si Reynante
February 16, 2004 | 12:00am
GENTING HIGH-LANDS -- May dahilan para ngumiti si Lucien Lloyd Reynante pagkatapos ng makasunog bagang Stage 9 ng Tour de Langkawi.
Hindi maipinta ang mukha ni Reynante nang kanyang tawirin ang finish line matapos ang 131.6 kilometrong karera mula Kuala Lumpur hanggang sa entertainment capital na ito na matatagpuan sa malamig na mountain peak na may 7,000 meter above sea level.
Ngunit ang kanyang hirap at pagod ay sinuklian ng magandang placing sa Asian Classification at overall standings.
"Huh, ang hirap! Akala ko bibigay na ako, parang puputok na iyung dibdib ko pero di puwedeng magpabaya. Pag bibitaw nga ako para kumuha ng tubig may bumabanat, kaya paspas ako uli para lampasan sila," wika ni Reynante na nakuha ring ngumiti matapos uminom ng tubig.
Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung siya ang Pinoy na may pinakamagandang pagtatapos sa nakakapagod na stage na naglagay sa kanya sa 37th overall mula sa 55th placing at 8th sa Asian sa penulti-mate stage ng karerang ito.
Tinawid nito ang finish line kung saan may grupo ng Filipino overseas workers na sumalubong sa kanya, na may pitong minuto at 44-segundong layo sa stage winner na si Marin Rubber ng Colombia SelleItalia na may oras na 3-hours, 37.15 minutes.
Naunahan ng 37 segundo ang kasamahan ni Rubber na si Freddy Gonzales na siyang inaasahang maghahari sa karerang ito kahit may 48 seconds layo lamang ito sa pumapangalawang si Ryan Cox ng Barloworld.
Ngunit hindi sapat ang pagsisikap na ito ni Reynante para iangat ang Pagcor Team na nanatili sa fourth place na lalo pang lumayo ang puma-pangatlong China na may distansiya nang 11 minutes at 12 seconds.
Nakopo ni Ghader Mizbani ang Asian stage victory, bilang 9th overall na may 2 minutes at 32 segundo lamang na layo sa stage winner.
Ang kanyang kapwa Iranian na si Ahad Kazemi (13th place) ang naglagay sa kanila sa tuktok ng Asian Team Classification na may 14.57-second advantage sa pumapangalawang Japan.
May dahilan ding ngu-miti si Ryan Tanguilig, ang Tour Pilipinas 3rd runner-up na siyang second best finisher sa mga Filipino riders matapos umakyat mula 8th sa 7th place sa Asian Classification.
Wala namang suwerte si Team captain Victor Espiritu na dumating makaraan ang 14 minuto at 33 segundo ang layo sa stage winner sanhi ng kanyang pagkasibak sa Asian top 10.
Inaasahang ipopormalisa ng mga nangunguna sa karera ang kanilang tagumpay sa final stage na 80.4 km criterium race sa palibot ng Kuala Lumpur.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended