Ang kaliweteng si Rodrigo, malaking puncher mula sa General Santos City ay umaasang maging ikalimang OPBF titlist ng bansa kung mananalo ito sa walang talong Hapones.
Hawak ni Rodrigo ang 9-2-3 win-loss-draw card na may 4 KOs sa labang ito habang si Komatsu , ang No. 3 flyweight sa World Boxing Council ay bitbit naman ang 17-0-5 na may 8 KOs. Ang laban na ito ni Rodrigo ay ikaapat na pagdedepensa naman ni Komatsu sa kanyang titulong napagwagian laban kay Jung-Oh Son noong September, 2002. Ang kanyang unang depensa ay nang patitigilin niya si Rolly Lunas sa loob ng dalawang rounds.
"I will try my best to win the crown for the country," ani Rodrigo bago ito nagtungo sa Japan noong Biyernes. Ang Pinoy champ ay dumaan sa 92 rounds na sparring bilang paghahanda kay Komatsu. Kabilang sa kanyang mga naka-ispar ay sina Elderd Romero, Albert Cesa, Celso Danggod, at Dondon Jimenea.