Ito ang reaksyon ni Senador Robert Jaworski hinggil sa desisyon ng Basketball Association of the Philippines (BAP) na kalimutan ang kasunduan nila ng Philippine Basketball Association (PBA) patungkol sa pagpapadala ng mga manlalaro ng huli sa mga international competition, partikular na ang Asian Games.
"Well, Ill tell you, when we talk of national purpose we have to work as one" ani Jaworski. "Hindi naman pag pumalpak tayo eh sasabihin ng ibang bansa na poor PBA or poor BAP but we will be branded as lousy Philippines."
Sinabi pa ng Senador na mas makabubuting buksan ng dalawang kampo ang kanilang mga pintuan at magtulungan para sa ika-aangat ng basketball sa bansa.
"We should show to the world that Filipinos can do it and we can do it with unity," wika pa niya sa pakikipanayam sa ilang manunulat pagkatapos ng ginanap na SCOOP Awards Night kamakalawa ng gabi kung saan isa siya sa panaunahing pandangal at ginawaran ng pag-kilala dahil sa kanyang kontribusyon sa sports.
Noong Huwebes, sinabi ni BAP secretary general Graham Lim na hindi na nila kakailanganin ang tulong ng PBA sa pagbubuo ng Pam-bansang koponan sapagkat mayroon na umano silang programa para dito sa pa-kikipagtulungan ng Cebuana Lhuiller.
Ang PBA ang siyang nagbubuo ng koponan ng bansa sa Asian Games sapul noong 1990 at ang pagba-bago ng kalendaryo ng liga simula sa taong ito ay siya sanang magbibigay ng pagkakataon para makapagpadala rin sila ng tropa sa iba pang international competi-tion, partikular sa Asian Basketball Confederation (ABC) Championships, na siyang nagsisilbing Olympic qualifying tournament. (IB)