Tour De Langkawi: Walang nabago !

SHAH ALAM--Walang pagbabagong naganap sa mga siklista matapos ang Stage 9 ng Tour de Langkawi na muling umabot ng maramihang pagtawid sa finish line sa ikaapat na sunod na araw bagamat ang lahat ay naghahanda na para sa nakakamatay na bakbakban sa Genting Highlands.

Matiwasay na binaybay ng Philippines’ Team Pagcor ang maikling 96.4 km na nagmula sa Port Dickson upang maipreserba ang kanilang lakas sa susunod na yugto.

Matapos trangkuhan ni Alfie Catalan, ang pangunahing Pinoy sprinter, ang kanyang mga kasamahan sa mahabang linya ng 99-man pack na pinangungunahan ni stage winner Luciano Pagliarni, dumating siya sa finish line na may isang minuto at 46 segundo na abante mula sa buntot ng karera.

Sa loob ng apat na sunod na araw, si Catalan, bronze medal winner sa criterium race sa Vietnam SEA Games, ay hinatak ang Pinoy sa flat course ng multi-stage bicycle race na ito na tinaguriang ikaapat na pinakamahirap na karera sa daigdig.

Lahat ng Asian teams ay nagsumite ng magkakatulad na oras na 6 hours, 3 minutes at 9 seconds.

At para sa sprint stages, hindi halos nagalaw ang overall standings. Hawak pa rin ni Colombian Marlon Perez ang overall leadership habang si Ghader Mizbani ng Iran ang nanatiling lider sa Asian Individual Classifi-cation. Sina Ryan Tanguilig at Victor Espiritu ay nasa 8th at 9th, ayon sa pagkakasunod.

Ipinakita ng Japan ang daan sa mga Asyanong koponan, kasunod ang Iran, China, Team Pagcor, Malaysia at Wismilak ng Indonesia.

Isang malaking bagay para sa mga Pinoy ay magsisimula sila na buo pa rin ang 7-man team sa krusiyal na yugto ng kanilang pakikibaka at tulad ng nakalipas, may nanalo at may natatalo. Ang Team Pagcor ay may 34 segundong layo sa pumapangatlong China na may limang riders.

Nananatili ding malaking hadlang ang Pinoy sa pumapangalawang Iran na may agwat na 7 minutes at 51 seconds.

"Dito magkakatalo sa Genting. I believe our climbers will do the job," ani coach Cezar Lobra-monte na sasandal kina team captain Victor Espiritu, Lloyd Reynante, Ryan Tanguilig at rookie Roland Gorrantes na siyang nagwagi sa Tour ng Pilipinas time trial stage sa Baguio City. Maaring magbigay din ng sopresa sina Merculio Ramos at Albert Primero.

Pahinga muna si Catalan para magbigay ng suporta sa mga aak-yat. "Natapos na ‘yung role ko sa patag, support ako ngayon at dadalhin ko sila kung hanggang saan ko kaya, pagkatapos na bahala na silang tumapos sa trabaho," ani Catalan.

At kahit nananakit pa ang mga galos at sugat ni Espiritu na tinamo sa isang semplang sa final two kilometer ng Pontial-Melaka stage may dala-wang araw na ang naka-karaan, handa pa rin ito sa giyera.

"Masakit pero wala tayong magagawa, kailangan bumuhos na dito."

Show comments