^

PSN Palaro

Tour De Langkawi: Espiritu sumemplang

-
MELAKA--Muling nagbunyi ang mga sprinters at bullies sa Stage 7 ng 9th Tour de Langkawi noong Huwebes.

Malaki at marami ang dumating sa finish line ng 166.7 km na karera mula Johor Bahru patungo sa coastal city na ang pangunahing 12 ay dumating sa finish line na may 4 segundong layo lamang mula sa 83-man train na kinabibilangan ng anim na Pinoy riders.

Tulad ng inaasahan, hindi natinag ang leader-board bunga ng patag na ruta ngunit nagbigay ng kapana-panabik na rematehan para sa karangalan sa sprints.

Maliban kay Victor Espirtu, na nakasama sa 3-man na sumemplang patungo sa final 2 kilometers, ang ibang riders ng Philippines Pagcor na sina Alfie Catalan, Ryan Tanguilig, Albert Primero, Merculio Ramos, Lloyd Reynante at Roland Gor-rantes ay ligtas na tumawid sa finish line may apat na segundo ang pagitan sa stage winner na si Luciano Pagliarini ng Lampre.

Dahil sa sobrang lakas ng hangin na nagmumula sa Johore Straits, tatlong beses nabigo ang pagtatangkang break-away.

Tinangkang magdaigan ng mga European riders at naghasik ng lagim sa mga Asyanong siklista may tatlong yugto na lamang ang nalalabi sa 2.2 ranked cycling event na ito na pang-apat sa pinakamabigat na karera ng bisikleta sa daigdig.

Gitgitan at lahat ay nagtangkang umiskerda sa loob ng peleton ha-bang si Catalan na nasa frontline ng main group ay ilang beses nabigo sa kanyang pagtatangkang breakaway nang sinadya ng mga European riders na harangan ang kan-yang daan.

Nakabuntot naman si Espiritu sa main peleton nang makabanggaan nito ang isang sumemplang na rider sa isang kurbada patungo sa maraming taong naghihintay at nagtamo ng galos at sugat sa kanang binti.

Bagamat sumemplang na hindi naging balakid ito kay Espiritu para pumasok sa finish line makalipas ang one minute at 6 seconds.

Ang pagbagsak ni Espiritu ay nagdulot sa kanya na bumagsak sa 9th place, 9 minutes at 26 seconds sa likuran ng lider na si Ghader Mizbani ng Iran sa Asian Classification.

Habang kababayang si Tanguilig naman ay umusad sa 8th na may tatlong Hapones sa una-han.

Ang susunod na yugto ng karera ay pangpakalma sa kanilang pagbaybay sa pinakamaikling 96.4 km stage mula Port Dickson hanggang Shah Alam bago ang mapanganib at mahirap na akyating ruta sa Genting Highlands.

vuukle comment

ALBERT PRIMERO

ALFIE CATALAN

ASIAN CLASSIFICATION

ESPIRITU

GENTING HIGHLANDS

GHADER MIZBANI

JOHOR BAHRU

JOHORE STRAITS

LLOYD REYNANTE

LUCIANO PAGLIARINI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with