Aabot sa 25 atleta sa pangunguna ng Achiever of the Year Awardee, dating International Boxing Federation superbantamweight champion Manny Pacquiao na gagawaran ng 23-inches Gawad Pancho Villa Barako Silver Cup.
Magsisimula ang awarding ceremonies sa alas-7 ng gabi kung saan panauhing pandangal si Manila Mayor Jose Lito Atienza at tagapagsalita.
Inaabisuhan na ang mga SCOOP members, mga pararangalan at panauhin na dumating ng maaga para sa registration na magsisimula sa alas-5 ng hapon.
Labimpitong iba pang individuals na ang kanilang achievements, leadership at suporta na naibigay sa pagpapalago ng Philippine sports ay pararangalan rin.
Ang nasabing Annual Awards Night ay hatid ng San Miguel Corp., Philippine Sports Commission, Mayor Atienza at Photokina Marketing na suportado ng Airfreight 2100, Philippine Basketball Association at ng Philippine Basketball League.
Narito ang kumpletong listahan ng mga awardees:
Gawad Pancho Villa Barako (Achiever of the Year)--Manny Pacquiao.
Gawad Kahusayan (Ten Outstanding Pilipino Sportsman)--Christian Jan Suarez, RP Three-Women Team, Arvin Ting, Rene Catalan, Bacolod City Girls Softball Team, Mark Paragua, Marcus Valda, Rexel Ryan Fabriga, Willie Wang at Lee Van Corteza.
(Gawad Katapangan (Badge of Courage)--Romeo Brin, Rodel Mayol, John Baylon, Gretchen Malalad at RP Traditional Boat Race Team.
Gawad Bukas-Landas (Vic Villafranca Memorial Trailblazers Award)--Eduardo Buenavista, Glenn Aguilar at Juan Carlos Miguel Mendoza.
Gawad Ningning (Brilliancy Award)--Eugene Torre at Ronald Dableo.
Gawad Kabataan (Sim Sotto Memorial Youth Award) --Jayvee Agojo, Rachelle Ann Cabral, Kenneth San Andres at Marichi Gandionco.
Gawad Habang Buhay (Life-time Achievement Award)--Eduar-do Cojuangco Jr., at Virgilio Baby Dalupan.
Gawad Liderato (Sports Leadership Award)--Steve Honti-veros, Sen. Robert Jaworski Sr., Eric Buhain, Celso Dayrit, Go Teng Kok, Bong Coo, Arnold Ali Atienza, Lydia de Vega-Mercado, Bert Lina, Gov. Tomas Joson III, San Youl Eom at Hermie Esguerra.
Gawad Kabisig for friends of SCOOP--George Chua, Vicvic Villavicencio at Mayor Jose Lito Atienza.