Tuloy ang commitment ng Welcoat sa PBL
February 13, 2004 | 12:00am
Tuloy ang kampanya ng Welcoat sa PBL.
Walang iwanan, ika nga.
Nagdesisyon ang Welcoat na mag-stay sa liga kahit na napagitna ito sa mga intriga nung PBL finals.
Lalo pa nilang palalakasin ang line-ups nila para sa susunod na conference.
Oo ngat natalo sila sa Fash sa kanilang best-of-five duel pero sa Welcoat, okay na rin yun.
Happy and proud losers kahit na hurting sila sa pagkatalo.
Kinumpirma ng mga team owners na sina Terry Que at Raymond Yu na nakahanda silang magbuo ng isang mas malakas na team kahit na nga nawala na sa kanila ang mga malalakas nilang pro-bound players na sina James Yap, Ronald Cuan at Mark Pingris. Di ko lang alam kung paano nila ito gagawin dahil ang hirap maghanap ngayon ng malalakas na players na wala pang teams.
But leave it to Welcoat dahil diyan sila magaling.
"Hindi kami aalis sa PBL dahil naniniwala pa rin kami na hindi dapat tapusin ang commitment namin sa liga. Our commitment and loyalty stay with the league and with the people who run it. Malaki rin ang nagawa ng PBL sa pagpapalawak ng aming produkto, and we owe it to the league and to the basketball fans to continue with our commitment not only to the PBL but to the entire basketball world as well," sabi ni Raymond Yu.
Masakit talaga ang pagkatalo nila, pero sabi nga ni Terry Que, ganyan talaga sa basketball. Hindi mo naman puwedeng mapana-lunan lahat. May panahon talagang natatalo ka rin. This time, kami ang natalo, pero masakit man, natanggap na namin. Talagang ganyan lang naman kahit saan sports. But we are proud losers. Happy din. Kasi naman, alam naman ng lahat na we gave our best although yung mga players ng Fash, obvious na they played with the bigger heart and the desire to bring home the title. The fact na umabot kami sa Game-5, maganda na talaga ang naging series namin, at para sa amin sa Welcoat, okay na rin yun, sabi naman ni Terry.
Kaya mula ngayon hanggang sa March kung kailan magbubukas ulit ang susunod na PBL conference, asahan ninyong maghahanap ng mga bago at mas malalakas (at sana mas may pusong) mga players para sa team nila.
Medyo mahihirapan sila pero naniniwala akong kaya ng Welcoat na makapaghanap ng mga bagong players na tutulong sa kampanya nila para sa next conference.
Walang iwanan, ika nga.
Nagdesisyon ang Welcoat na mag-stay sa liga kahit na napagitna ito sa mga intriga nung PBL finals.
Lalo pa nilang palalakasin ang line-ups nila para sa susunod na conference.
Oo ngat natalo sila sa Fash sa kanilang best-of-five duel pero sa Welcoat, okay na rin yun.
Happy and proud losers kahit na hurting sila sa pagkatalo.
But leave it to Welcoat dahil diyan sila magaling.
"Hindi kami aalis sa PBL dahil naniniwala pa rin kami na hindi dapat tapusin ang commitment namin sa liga. Our commitment and loyalty stay with the league and with the people who run it. Malaki rin ang nagawa ng PBL sa pagpapalawak ng aming produkto, and we owe it to the league and to the basketball fans to continue with our commitment not only to the PBL but to the entire basketball world as well," sabi ni Raymond Yu.
Medyo mahihirapan sila pero naniniwala akong kaya ng Welcoat na makapaghanap ng mga bagong players na tutulong sa kampanya nila para sa next conference.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended