Nanindigan ang Pagcor riders sa gitna ng maruming taktika mula sa mga karibal sa 175 km Stage 6, ang pinakamahabang ruta ng karera mula sa mababang bayan ng Muar patungo sa pinakamataas na lugar ng Malaysia.
Ngunit lahat ng Pinoy riders, maliban sa isa, ang kumapit hanggang sa finish line na pinagwagian ni Ivan Quaranta ng Formagi Pinzolo Fiave habang nanatili ang katayuan sa nakalipas na apat na araw.
Kabilang sina Victor Espiritu, Alfie Catalan, Merculio Ramos, Ryan Tanguilig at Lloyd Lucien Reynante sa 107-man group na dumating sa finish line sa oras na 3 hours, 39 minutes at 20 seconds. Habang naiwan naman ang maliit na grupo na kinabibilangan naman ni Filipino Roland Gorrantes na kasama sa 15-man na sumemplang sa 40-km point.
Si Ramos, ang malakas ang loob na Pinoy na nagsagawa ng break-away sa first stage na nagsuot sa kanya ng yellow jersey at unang Asyano ay muling nagsagawa ng isa pang mapa-nganib na breakaway sa unang 30 kilometro.
Handa sa kakayahan ng mga Pinoy, binantayan ng mga Europeans at Asian riders ito para mabuo ang 12-man lead pack na nagposte ng pinakamalaking agwat na 40 seconds mula sa peleton. At sa kalagitnaan, ang lead pack ay kasama na ng peleton.
"Masyadong mabilis iyung pace, di ako makalayo kaya di ko na pinilit," ani Ramos, na ang nakaraang araw, ay biktima ng maruming laro nang tamaan ito sa noo ni Formaggi Pinzolos Corrado Sarrina nang magtangkang kumalas ang Pinoy.
Nanatili ang Team Pagcor sa ikaapat na puwesto sa likuran ng Japan, Iran at China. Sina Espiritu at Tanguilig ay nanatili sa kanilang 8th at 9th places, ayon sa pagkakasunod sa Asian Individual category ha-bang nanatili sa unahan ang Iranian na si Ghader Mizbani.