^

PSN Palaro

PAKITANG-TAO

GAME NA! - Bill Velasco -
Kahapon ginanap ang kauna-unahang orientation para sa mga manlalaro at team officials ng Philippine Basketball Association. Kasama sa itinuro sa mga manlalaro ay ang wastong pakikitungo sa kanilang mga tagahanga, at ilang payo na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

May mga ilang payo rin ang inyong lingkod sa mga kaibigan nating player, na madalas nating makasalamuha maging sa labas ng basketbol.

Sumipot ka. May ilang mga manlalaro na nagibibitaw ng salita subalit walang intensyong sundin ito. Minsan, sasabihin nilang pupunta sila sa isang okasyon, pagkatapos ay hindi tutuloy. Maliit na bagay ito para sa kanila, pero nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. At kakalat ang kanilang pang-iindyan.

Humindi ka. Madalas, tayong mga Pinoy ay nahihiyang humindi dahil natatakot tayong kagalitan ng tao. Pero mas nakakainis ang umoo na hindi darating. Mas gagalangin kayo kapag inamin ninyong may lakad kayo sa araw na iyon.

Mauunawaan pa kayo, at makikilala bilang taong may palabra.

Mag-ayos. Bilang taong nakikita palagi sa telebisyon, mas mapapansin kayo kaysa sa karaniwang tao. Karapat-dapat lamang na magbihis ng maayos at hindi mukhang gusgusin. Lalo na kung malaking tao ka’t napakadaling mamataan sa gitna ng maraming tao.

Magtanong. Liban sa katanungan kung may bayad ang lakad mo, magtanong kung anong oras ka kailangan, ano ang gagawin doon, at kung may isponsor. Maaring kalaban ng iniindorso mong produkto ang may pakana, mahirap na. Liban doon, malalaman mo kung ano pa ang ibang paghahandang kailangang gawin.

Bilang pangwakas, magpakabait. Kung ayaw mong pumunta, huwag. Baka tumuloy ka nga, pero nagsusungit ka naman o nagmamadali. Insulto pa iyon sa nag-imbita sa iyo. Lubusin mo na ang pagpunta.

Sa mga simpleng payong ito, nawa’y makatulong tayo sa mas magandang pakikitungo sa ating mga kababayang masugid na tagapanood ng lahat ng sports.

BILANG

HUMINDI

INSULTO

KAHAPON

KARAPAT

KASAMA

KUNG

LIBAN

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with