Maganda ang itinakbo ni Victor Espiritu na nakipagpalitan ng puwesto sa kanyang kababayang si Ryan Tanguilig sa Asian Classification. Ang dating 49th ranked na si Espiritu ay nasa 7th place at may walong minuto at 24 segundong layo na lamang sa Asian Classification leader na si Ghader Mizbani. Anim na segundo lamang ang agwat ni Tanguilig kay Espiritu.
Kasunod ni Mizbani si Japanese Iijima Makamoto, ranked 26th overall sa 18-km ITT race kung saan ang mga riders ay isa-isang pinakawalan na may isang minutong pagitan.
Ang flat roads ng makasaysayang lungsod na ito sa tabing dagat ay nagustuhan ni Canadian rocket Eric Wohlberg na siyang nagsumite ng pinakamabilis na oras na 21:38.74 kasunod si Makamoto na may 1:18 minutong distansiya para maging best Asian placer sa kanyang 26th overall.
Pumangalawa si Mizbani kay Makamoto sa stage sa kanyang accu-mulated time na 14-hours 10.3 minutes na sapat na para manatili sa tuktok ng Asian classification. Ikatlo naman si Tonton Susanto ng Indonesia.
Bagamat walang nakuhang individual dividends ang mga Pinoy riders, ang kanilang pagsisikap ay naging kapaki-pakinabang kay Alfie Catalan na nakapagsumite na ng magandang pagtatapos at masama ang kanyang oras sa Team Pagcor.
Matapos sapawan ng mas magagaling na kasamahan sa kaagahan ng Tour, nagsumite si Catalan ng 8th best Asian clocking (23 mins at 53.10 secs), para makalapit ang Team Pagcor sa mga Asian forerunners.
Nanatili ang Team Pagcor (42h 15.05) sa fourth place ngunit may 56 seconds na lamang ang layo sa China at di naman nakakalayo ang nangungunang Japan at pumapangalawang Iran.
Inaasahang magiging magaan para sa mga RP riders ang pinakama-habang stage na 175-km course na magsisimula sa Muar at magtatapos sa Johor Bahru tampok ang tatlong sprint zones sa Parit Sulong, Simpang Reggam at Bukit Bat matapos ipakita ang kanilang kakayahan sa mga naunang stages.