^

PSN Palaro

Jimwell Torion hindi pa puwede- Eala

-
Hindi pa dinidesisyunan ni Philippine Basketball Association Commissioner Noli Eala ang petisyon ng Red Bull na i-reinstate si Jimwell Torion para sa Fiesta Cup na magsisimula na sa Peb. 22.

"It’s not yet time. In fact, we haven’t talked about it yet," ani Eala ukol sa apela ng Red Bull kamakailan lamang na bawiin ang pagkakasuspindi ni Torion sa kabuuan ng transition tournament dahil sa humanitarian reasons at dahil na rin sa pangangailangan nila ng point guard matapos nilang i-trade si Willie Miller sa Talk N Text na siyang ikinabutas ng kanilang backcourt.

"Anything is possible," sabi ni Eala. "But it’s too early to hand down a reconsideration."

Nasuspindi noong nakaraang taon si Torion dahil sa isang flagrant foul kay Talk N Text guard Jimmy Alapag, na nabasagan ng buto sa ilong kaya’t kinailangan nito ng operasyon.

Bukod sa P70,000 fine, hindi makakasahod si Torion ng walong buwan na tinatayang aabot sa P2 milyon kaya ito umapela na pagaanin ang parusa.

Sinabi naman ni Alapag na hindi siya magrereklamo kung ire-reinstate na si Torion.

"I won’t have any problems if I see him on the court soon," wika ng Rookie of the Year award winner. "He hasn’t apologized to me personally yet, but I’ve read about his remorse all over the papers and I’ve already forgiven him."

EALA

FIESTA CUP

JIMMY ALAPAG

JIMWELL TORION

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION COMMISSIONER NOLI EALA

RED BULL

ROOKIE OF THE YEAR

TALK N TEXT

TORION

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with