Ang Fraser Hill, isang mini-rainforest na may mga mapanganib na kurbada sa palusong ay nananatiling palaisipan sa ibang bigating siklista ng karera ngunit dahil kabisado na ni Espiritu ang daan, naging bentahe niya ito para makasama sa grupong tumawid ng finish line na may isang minuto at 28-segundo lamang ang agwat sa stage winner na si Bert Lancaster ng Caramiche Panaria, na nagtala ng oras na 4:3.59.
Sumunod naman si Tanguilig na sumabay sa grupo makalipas ang 19 segundo.
"Alam ko na kasi iyung ruta na to. Mabilis talaga ang pababa kaya maraming nag-iingat na riders kaya 'di sumasabay," sabi ni Espiritu, na sumasali na sa karerang ito mula pa noong 1996, kung saan nagtapos ito bilang 20th place overall, ang kanyang pinaka-memorable finish sa 171.2-km route mula Tapah patungo sa bayang ito ng Raub.
"Paspas lang kasi ang ginawa ko para makasabay sa marami," sabi ni Tanguilig, ang Tour ng Pilipinas 3rd runner-up noong nakaraang taon. "Maraming nag-crash at bumagal, pero tumuloy na ako."
Umahon si Espiritu, na nauna kina Chinese Wang Guozhang at Japanese Abe Yushiyuki sa ninth place ng Asian classification, 7:49 minuto ang layo sa Asian leader na si Ghader Mizbani ng Iran.
Nanatili ang Philippine team sa fourth place, na may 13 hours at 26-segundong layo sa leader na Japan, na sinusundan ng Iran at China sa Asian Team classification.
Nasa unahan ni Espiritu ang 21 riders, na nagkarerahan sa huling tatlong kilometers na kinabibilagan nina Freddy Gonzales ng Colombia Selle-Italia na tumawid ng finish line, na may 35-segundong layo kina Lancaster para kunin ang yellow jersey mula sa kanyang teammate na si Marlon Perez.
Isa si Perez sa biktima ng Fraser Hill nang bumalentong ito sa kaagahan ng karera sa matulis na kurbada sanhi ng kanyang pagbagsak sa third place sa overall leadership.
Tatahakin ng 131 natitirang siklista ang 147.8-km stage ngayon mula Hulu Kelang hanggangTampin.