Ang schedule ay: February 15--Road individual time trial (ITT) sa Jalala para sa 40-km for elite men, 20-km para sa elite women at 20-km para sa developmental men at women; February 16--Track ITT sa Amoranto Velodrome para sa 200-km at 2-km time trial para sa elite men, women at developmental at 4-km time trial para sa elite men; February 17--Track ITT sa Amo-ranto Velodrome din para sa 1-km elite men, women at developmental men at women at points race para sa elite men; at February 18--Road massed start sa Batulao via Palico, Balayan, Batangas, hanggang Canyon Woods para sa men at women at developmental.
Ang trials ay pangangsiwaan ng PhilCycling coaching staff na kinabibilangan nina head coach Jomel Lorenzo at assistant coaches Joselito Santos (track-velodrome), Domingo Villanueva (road), Renato Mier (mountain bike) at Renato Dolosa (developmental).
Ang schedule para sa mountain bike trials ay ia-announce na lamang gayundin sa BMX, na opisyal na isasamang sports ng PhilCycling.
Ang trials ay bukas para sa lahat ng cyclists, kabilang ang mga dating national team members. Bilang bagong policy, ang national team ay binuwag pagkatapos ng December Vietnam SEA Games gayundin ang coaching staff kaya hiniling na magre-apply ang mga coaches at magpresenta ng program para sa 2005 SEA Games.
Ang mga detalye ay maaaring kunin sa PhilCycling headquarters sa tel nos. 8794374 o 8794378.