PBL Platinum Cup: Fash ang nagwagi

Naging matatag ang Fash Liquid Laundry Detergent sa huling anim na minuto ng labanan upang hugutin ang 61-55 panalo laban sa Welcoat Paints na nagkaloob sa kanila ng titulo sa PBL Platinum Cup matapos ang deciding Game-Five kagabi sa PhilSports Arena.

Isang 15-8 run ang pinakawalan ng Fash na bumasag sa 44 pagtatab-la ng iskor, tampok ang dalawang triple ni Larry Fonacier para kunin ang 59-52 bentahe sa laro, 45 segundo na lamang.

Nakalapit ang Welcoat mula sa tres ni Ervin Sotto ngunit ito na ang kanilang huling oposisyon nang makaiskor ang Fash ng dalawang free-throws na kanilang naging tuntu-ngan sa panalo na tumapos ng best-of-five series sa 3-2 panalo-talo.

"It’s our experience and the big big heart of my players that carried us to this victory," wika ni Liquid Powers coach Junel Baculi.

Ang kontrobersiyal na Most Valuable Player ng kumperensiya na si Peter June Simon na tumapos ng 12-puntos ang siya ring tinanghal na Finals MVP.

Show comments