^

PSN Palaro

Blu Boys may pag-asa pa

-
Christchurch, New Zealand -- Hindi pa rin sumusuko ang Philippine team kaya bumawi sila sa pamamagitan ng 6-1 panalo laban sa Netherlands para manatiling buhay ang kanilang tsansa sa quarterfinals sa penultimate day ng eliminations ng XI Men’s World Softball Championship sa Smokefree Ballpark dito.

Halos wala nang pag-asa ang mga Pinoy nang sila’y sumandal kay Mark Rae Ramirez, na may 11 strikeouts, at di nagpaapekto sa injury ni Isidro Abello, para igupo ang European champions tungo sa kanilang ikalawang panalo matapos ang anim na laro.

Sinuportahan naman ng iba pang miyembro ng Blu Boys si Ramirez sa kanilanbg impresibong offense tampok ang walong hits kabilang ang tatlo ni Melvin Villegas sa kanyang tatlong beses na pagtapak sa batting plate.

Kahit na may 12-miyembro lamang sa team, dinomina ng mga Pinoy ang mga Dutchmen sa kanilang three-run attack sa second inning.

Dahil sa panalong ito, may tsansa na ang RP team na makasulong sa susunod na round bagamat kailangan nilang talunin ang Samoa sa Huwebes para maipuwersa ang multiple tie para sa ikaapat at huling berth sa mas mahirap na section ng qualifyer na tinatawag na Group of Death.

Ang host at reigning champion New Zealand ay nanalo sa Venezuela, 11-3, para pamunuan ang Pool A na may anim na sunod na panalo habang ang dating champion na Canada ay nasa ikalawang puwesto na may 5-1 mark. Ang Australia at Samoa ay tabla sa 3-2 slates at paglalabanan nila ang third slot.

Ngunit ang panalo ng Australians ay ma-aaring magbukas ng three-way tie sa pagitan ng Samoa, Philippines at Venezuela, kung mana-nalo ang mga Pinoy laban sa Samoans na magbubu-nga ng tabla-tabla sa 3-4 cards.

vuukle comment

ANG AUSTRALIA

BLU BOYS

GROUP OF DEATH

ISIDRO ABELLO

MARK RAE RAMIREZ

MELVIN VILLEGAS

NEW ZEALAND

PINOY

POOL A

SMOKEFREE BALLPARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with