^

PSN Palaro

Manila Youth Games lalarga sa Mayo 23-30

-
Muli na namang makapagpapakita ng kani-kanilang tikas ang mahuhusay na 15-under athletes na hinatak mula sa Big City sa isang kompetisyon sa pagdaraos ng 3rd Manila Youth (MY) Games sa Mayo 23-30, 2004.

Ito ang inihayag kahapon ni Arnold ‘Ali’ Atienza, chief organizing ng Manila Sports Council (MASCO), na ayon sa kanya ang makulay na opening ceremony ang siyang magpapasigla sa isang linggong multi-event competition na inaasahang dadaluhan ng mahigit sa P8,000 children-athletes na maglalaban-laban sa 15 sports.

"We envision the 3rd MY Games to kick off another chapter in Manila’s sports history," ani Atienza, anak ni Manila Mayor Lito Atienza.  "We hope to inspire the elders of the City of Manila to involve their children in sports, not for the sole reason that someday they would become world champions but because sports and physical fitness play an important role in society."

Kabilang sa kalendaryo ng ikatlong edisyon ng nasabing games ang athletics, badminton, baseball, chess, dancesports, football, gymnastics, softball, swimming, table tennis, lawn tennis, taekwondo, volleyball at paralympics. Magde-debut naman sa MY Games ang bowling.

Lahat ng 897 barangays at 130 public at private schools sa bansa ang kumatawan sa 2nd MY Games. Ang 3rd MY Games ay bahagi ng siyudad na Buhayin ang Maynila program.

ALI

ATIENZA

BIG CITY

BUHAYIN

CITY OF MANILA

GAMES

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with