^

PSN Palaro

Fil-Am groups susuporta sa 2005 SEAG

-
Binuhay ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Federation of Philippine American Chamber of Commerce ang kanilang kasun-duan noong nakaraang taon para sa implimentasyon ng vital sports programs, kabilang ang training ng Filipino athletes para sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa 2005.

Sa isang pagpupulong noong Linggo, inilahad ni PSC Chairman Eric Buhain kay FPACC president Yolanda Ortega-Stern at Executive Director Patmei Ruivivar ang proposed webpage design, ang mga profiles ng mga potential 2005 SEAG medalists, na gagamitin sa road-show presentations para sa Filipino-Americans sa pangunahing US cities at states.

"The web is envisioned to be an effective tool in seeking the support of Fil-Ams living in the US to raise funds for the training and full development of Filipino athletes for the 2005 SEA Games," ani Buhain.

Iprinisinta rin ni Buhain ang blueprint ng proposed 4-storey Athletes Dormitory sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, ang construction expenses na pupunan sa pamamagitan ng ‘A Dollar for an Athlete’ campaign alinsunod sa Alay Suporta sa Atletang Pilipino (ASAP) Program ng PSC.

Ang FPACC, ang pinakamalaki at pinakama-impl-wensiyang business organization ng mahigit tatlong milyong Filipinos sa United States ay binubuo ng 42-member Filipino-American chambers mula sa pangunahing lungsod at state ng U.S.

"We aim to stir consciousness among Fil-Ams in the US regarding the plight of Filipino athletes and send a message that we are as patriotic as any Filipino in this country," ani Ortega-Stern. "There are three million of us and we hope to raise funds at the rate of a dollar per Fil-Am. We are Filipinos and we are proud to support Filipino athletes."

Bilang ganti ng PSC, aasiste ito sa pag-oorganisa ng susuportang grupo sa FPACC para sa kanilang proyekto sa bansa at pagpapatupad ng Lakbay Sports program bilang supplementary element sa Lakbay Aral projects na itinataguyod ng FPACC sa bansa.

A DOLLAR

ALAY SUPORTA

ATHLETES DORMITORY

ATLETANG PILIPINO

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

EXECUTIVE DIRECTOR PATMEI RUIVIVAR

FEDERATION OF PHILIPPINE AMERICAN CHAMBER OF COMMERCE

FIL-AMS

FILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with