^

PSN Palaro

Malakas na ang San Miguel sa pagbabalik ni Seigle

-
Walang dahilan ang San Miguel para di makapagpakita ng magandang performance sa taong ito sa Philippine Basketball Association.

Bagamat walang nakuha sa annual draft, may magandang hinaharap ang Beermen dahil sa isang dahilan. Ito ay ang pagbabalik ni Danny Seigle.

Tanging si coach Jong Uichico lamang ang nakakaalam kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang apat na guards na sina Dale Sinsgon, Olsen Racela, Boybits Victoria at Anton Villoria.

Pero hindi na dapat itanong kung anong magiging diperensiya sa pagbabalik ni Seigle.

Ibase na lamang sa achievements ng San Miguel na kasama si Seigle. Walong finals appearances, tatlong sunod na championships at kabuuang limang titles. Pero kahit wala si Seigle na nasa U.S. pa rin at nagpapagaling ng kanyang operasyon, nagawa pa ring makarating ng Beermen sa finals ng 2003 Reinforced Conference.

Maganda ang kanyang ipinakita para sa National team nang mapunit ang kanyang achilles tendon sa isang exhibition game laban sa Qatar, ilang araw bago tumulak ang RP sa Busan, Korea para sa Southeast Asian Games na dahilan ng kanyang pagkawala ng isa’t kalahating taon.

Mapapalakas ni Seigle ang team na binubuo nina Danny Ildefonso, Dorian Peña, Nic Belasco, Dondon Hontiveros, Racela, Victoria at Singson.

"Talaga naman we'll always be there fighting. Pero mahirap mangako dahil halos lahat ng teams naglakasan. Of course, we'll become stronger on Seigle's comeback. Pero hindi naman siya biglang babalik. Little by little, baka mabigla," sabi ni Uichico ng Beermen na sasamahan ni Art Long bilang import sa Fiesta Conference sa Pebrero 22.

vuukle comment

ANTON VILLORIA

ART LONG

BEERMEN

BOYBITS VICTORIA

DALE SINSGON

DANNY ILDEFONSO

DANNY SEIGLE

PERO

SAN MIGUEL

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with