Gaganapin ngayon ang Game-Three ng titular showdown ng Welcoat at Fash para sa PBL Platinum Cup sa inaasahang dudumuging Pasig Sports Center.
Tabla na ang best-of-five championship series sa 1-1 panalo-talo at ang mananalo sa laban ngayon ang siyang makakalapit sa titulo.
"After reviewing the tape last night, I found out that Game-2 was a very physical game. So we have to play a physical game to counter their own physical game," sabi ni Welcoat coach Leo Austria. "So expect Game-3 to be an emotional game but I hope it will not be a bloody one."
Matapos tambakan ng Welcoat ang Fash sa opening game ng series, 78-60 ngunit naging mahigpit ang labanan sa Game-Two na kinaila-ngan ng dalawang overtime bago maitakas ng Fash ang 84-80 panalo.
Dahil dito, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa laban ng Paint Masters at Liquid Powers ngayon.
"This series is full of uncertainty but we have to keep our focus right from the start. We have to match their intensity, if not better it," ani Austria. "I think we dont need more hype or pep talk for this series because the boys are aching to get back at Fash."
Ihahayag ngayon ang Most Valuable Player ng torneo sa isang oras na achievement awards na sisimulan sa alas-3:00 ng hapon bago magsimula ang championship game sa eksaktong alas-4:00.