Australia unang puntirya ng Philippine Blu Boys
January 30, 2004 | 12:00am
CHRISTCHURCH, New Zealand -- Bagamat napagod matapos ang 18-oras na biyahe mula sa Manila, hangad ng Philippines na makagawa ng magandang simula sa kanilang kampanya sa XI Mens World Softball Championship sa kanilang pakikipagharap ngayon (Biyernes) sa Australia sa Smoke-free Ballpark dito.
Kumpiyansa ang Blu Boys na mananalo sila sa Australian squad na nasa pangangasiwa ng Canadian -born coach.
Nakatakda ang kanilang laban sa alas-11 ng umaga ( alas-7:00 ng umaga sa Manila) at umaasa silang naka-rekober na sila sa jet lag at kakulangan sa tulog dahil Martes pa sila umalis ng Manila.
Ang Blu Boys ay nag-stop over pa sa Hongkong at sa Auckland, Wellington bago lumapag sa Christchurch dahil nagkaroon sila ng problema sa booking dahil marami nang pasahero ngayon.
Ayon kay RP team coach Reynaldo Baby Manzanares, kailangan ng determinasyon at konsentrasyon para manalo dahil bigating teams ang kasama nila sa Pool A ng 15-nation tournament na ito.
Ang top four teams sa bawat pool ay uusad sa crossover quarterfinals.
Pangungunahan ni Mark Rae Ramirez, ang 21-gulang na most valuable player sa Asian tournament; veteran Roger Rojas at Sonny Boy Acuna ang RP rotation habang si assistant coach Eufrocino dela Cruz bilang reserve ng koponan na binubuo lamang ng 14-players dahil naiwan ang tatlo bunga ng problema sa booking.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended