^

PSN Palaro

PBL Platinum Cup Finals: Welcoat nakuha ang Game One

-
Eksplosibong opensa at mala-bakod na depensa ang ipinamalas ng Welcoat Paint upang iposte ang 78-60 panalo kontra sa Fash Liquid Laundry Detergent para makopo ang 1-0 bentahe sa pagbubukas ng kanilang best-of-five cham-pionship series para sa titulo ng PBL Platinum Cup kahapon sa Makati Coliseum.

Dinomina ng Paint Masters ang halos lahat ng departamento ng statistics na naging babala sa Fash para ma-sweep ang serye tungo sa pagsukbit ng kanilang ikaanim na titulo.

"Hindi ko akalaing ganito ang magiging resulta ng game na ito," wika ng winning coach na si Leo Austria ng Paint Masters.

Pinangunahan ni Ervin Sotto ang Welcoat sa pagposte ng 18 puntos na sinegundahan ni James Yap ng 14.

Isang 25-7 blast ang ibinaba ng Paint Masters na bumasag sa 48-pagtatabla ng iskor upang kunin ang 73-55 kalamangan na tuluyang umiwan sa Liquid Powers at di na nakabangon pa.

Sa unang laro, nakopo naman ng Blu Star ang konsolasyong ikatlong puwesto nang kanilang itakas ang 77-76 panalo laban sa Sunkist-UST.

Ang Game-Two ay gaganapin bukas sa San Juan gym sa ganap na alas-3:45 ng hapon. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

ANG GAME-TWO

BLU STAR

CARMELA OCHOA

ERVIN SOTTO

FASH LIQUID LAUNDRY DETERGENT

JAMES YAP

LEO AUSTRIA

LIQUID POWERS

MAKATI COLISEUM

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with