^

PSN Palaro

PBA Preview: Phone Pals palaban

-
Isang palabang koponan ang hawak ngayon ni coach Joel Banal.

Naririyan sina Asi Taulava, Yancy de Ocampo, Vic Pablo, Willie Miller at Jimmy Alapag bilang starting unit. At kung titingnan ang maiiwan sa bench, naririyan pa sina Harvey Carey, Patrick Fran, Donbel Belano, Bong Ravena, Mark Telan at fresh recruits na sina Nino Gelig at Christopher Guerrero.

Kahit magkaroon man ng injury ang isang player, maski si Taulava o si Alapag, hindi ito iindain ng Phone Pals.

Ito’y dahil na rin sa magagandang deals na ginawa ng team management at coaching sa Red Bull Barako at FedEx para makuha ang mga marquee players na sina Miller at De Ocampo.

Bagamat nahirapan ang Talk N Text na pagkasyahin ang mga ito sa kanilang salary cap, ang mahalaga ay may mga maaasahang players si Banal sa bawat position para mahigitan ang kanilang 32-24 win-loss record noong nakaraang taon.

Pumangalawa ang team sa likuran ng Coca-Cola sa most number of games won at third sa likod ng Red Bull Barako (30-13) at Coca-Cola (44-21) sa win-loss percentage.

Ang unang target ng Phone Pals sa taong ito ay ang maghari sa Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22 at pagkatapos ay idepensa ang All-Filipino crown.

Ang pagdating ni Miller ay magbibigay sa Talk N Text ng isang mapanganib na sandata dahil ang 2002 MVP awardee ang inaasahang mangangasiwa ng run-and-gun game ng koponan. Palalakasin naman ni De Ocampo ang frontline ng Phone Pals.

"The management is leaving no stones unturned to make sure we get a good shot at winning more PBA championships," sabi ni team manager Frankie Lim.

ASI TAULAVA

BONG RAVENA

CHRISTOPHER GUERRERO

COCA-COLA

DE OCAMPO

DONBEL BELANO

FIESTA CUP

PHONE PALS

RED BULL BARAKO

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with