Dalawa na lamang ang pinagpipilian ni coach Tim Cone para maging import sa transition tournament at ito ay sina Matt Kelly Barnes at Philip Ricci, dalawang players na kagagaling lamang sa college.
Sila ay parehong 67 at siguradong papasa sa 68 height limit na ipatutupad ng PBA.
Sa dalawa, si Barnes ang may mas magandang credentials dahil siya ay mas athletic sa kanyang paglalaro ng basketball at football sa Sacramento California.
Sa kanyang prep basketball career, nagtala siya ng State record sa blocked shots sa isang game na 21. Kabilang sa kanyang four-year varsity career prep basketball honors ang All-American, All-State, All-CIF, All-City at All-League. Noong 1997, siya ay runner-up para sa Nor Cal Player of the Year at naging Sacra-mento Player of the Year.
Sa football, bilang senior noong 97, si Barnes ay may 58 receptions sa 1,112 yards at may 28 touchdown catches bilang junior, mayroon din itong 42 catches para sa 958 yards at 17 touchdown receptions. Kabilang sa kanyang high school football honors ang All-American, All- State, All-CIF, All-City at All-League.
Si Ricci, 23-gulang, ay mula sa San Joaquin, California na produkto ng Oregon State. Sumailalim na ito ng knee surgery noong 2000.
Siya ay California Junior College Co-Player of the Year at Bay Valley League MVP bilang sophomore at may average na 25 points at 10 rebounds in 2000.