Alang Pamagat
January 27, 2004 | 12:00am
Heto na naman at umarangkada na naman ang Welcoat kung saan nasa finals ng PBL Platinum cup.
At pagkatapos ng kampeonato, tiyak na pilay na naman ang Paint Masters dahil ilan sa kanilang key players ay pawang aakyat na sa PBA makaraang na-draft at nakapirma na rin sa mga team na kumuha sa kanila.
Kasama dito sina James Yap, Marc Pingris, Paul Artadi at Mac Cuan.
Laging nauubusan ng magagaling na players ang Welcoat tuwing dadaan ang PBA Draft.
Siguro nga dapat muling pag-isipan ng Welcoat management ang dati nilang interes na umakyat sa PBA.
Malay natin baka madala nila ang kanilang kampeonato hanggang PBA.
Anong say nyo ?
Isep-esep!
Kamakailan inilabas ng Department of Budget Management ang budget para sa Philippine Sports Commission para sa taong ito at hindi tataas sa P105 million.
Ngayon pa naman ang Olympic year kung saan gaganapin ito sa pamosong Athens, Greece.
At ngayong taon din inaasahan ang tiyak na maraming international exposures ng atleta na bahagi na rin ng kanilang paghahanda para naman sa pagho-host ng 2005 SEA Games dito sa ating bansa.
Kaya naman ngayon pa lamang ay napapakamot na ng ulo ang PSC.
Noong isang taon, kinulang na sa pondo ang PSC kung saan humingi ng karagdagang P100 million mula sa Pangulo bago nagsimula ang kampanya ng atleta sa Vietnam SEA Games.
Kaya inaasahang muling maghihigpit na naman ng sinturon ang PSC dahil sa mababang budget na ito.
Sakaling di makakakuha ng bagong team si Boybits Victoria. mananatili ito sa San Miguel Beer. Gayunpaman, hindi pa rin ito papabor kay Boybits dahil malamang na ilagay pa rin siya sa reserve list dahil puno na ang guards sa bakuran ng San Miguel.
Sayang naman!
At pagkatapos ng kampeonato, tiyak na pilay na naman ang Paint Masters dahil ilan sa kanilang key players ay pawang aakyat na sa PBA makaraang na-draft at nakapirma na rin sa mga team na kumuha sa kanila.
Kasama dito sina James Yap, Marc Pingris, Paul Artadi at Mac Cuan.
Laging nauubusan ng magagaling na players ang Welcoat tuwing dadaan ang PBA Draft.
Siguro nga dapat muling pag-isipan ng Welcoat management ang dati nilang interes na umakyat sa PBA.
Malay natin baka madala nila ang kanilang kampeonato hanggang PBA.
Anong say nyo ?
Isep-esep!
Ngayon pa naman ang Olympic year kung saan gaganapin ito sa pamosong Athens, Greece.
At ngayong taon din inaasahan ang tiyak na maraming international exposures ng atleta na bahagi na rin ng kanilang paghahanda para naman sa pagho-host ng 2005 SEA Games dito sa ating bansa.
Kaya naman ngayon pa lamang ay napapakamot na ng ulo ang PSC.
Noong isang taon, kinulang na sa pondo ang PSC kung saan humingi ng karagdagang P100 million mula sa Pangulo bago nagsimula ang kampanya ng atleta sa Vietnam SEA Games.
Kaya inaasahang muling maghihigpit na naman ng sinturon ang PSC dahil sa mababang budget na ito.
Sayang naman!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am