^

PSN Palaro

Babawi ang Sunkist

FREE THROWS - AC Zaldivar -
WALANG ipinanalo ni isang laro sa semifinal round ng PBL Platinum Cup ang Sunkist- UST Tigers. Kaya naman marami talaga ang nadismaya.

Biruin mong napakaganda ng naging performance ng Sunkist sa elimination round kahit pa baguhan lang ang koponang ito. Nakarating sila sa semifinals samantalang ang ibang malalakas na teams gaya ng Viva Mineral Water at Montana Pawnshop ay nadiskaril.

Sa tutoo lang, nang pumasok sa semis ang Sunkist, maraming PBL observers ang nag-akalang masusundan nila ang yapak ng Viva Mineral Water.

Kung magugunita, nang lumahok ang Viva Mineral Water sa PBL sa nakaraang Unity Cup ay nakaabot kaagad ito hindi lang sa semis kungdi sa Finals. Muntik na ngang makakumpleto ng isang Cinderella finish ang Viva na binubuo ng nucleus ng Far Eastern University Tamaraws.

Kinapos nga lang ang mga bata ni coach Koy Banal ay sume-gunda lang sila sa Hapee Toothpaste. Pero maganda na ring achievement iyon.

So, ganon din ang inakala ng karamihan sa pagpasok ng Sunkist sa semis. Baka sakaling makumpleto ng Tigers ang isang Cinderella finish at malampasan nila ang nagawa ng Viva. Sa kasaysayan ng PBL, iilan lang kasi ang nakagawa ng Cinderella finish at sa aking pagkakaalam ito’y ang Lhuillier, Nikon Electric Fans at Stag Pale Pilsen. Wala nang nakasunod sa mga ito.

Puwes, nabigo nga ang Sunkist. Marami ang nagsasabing kaya gumapang ang Tigers ay dahil sa nagtamo ng konting injury ang kanilang main man na si Alex Compton.

Isa pa’y lumabas ang katotohanang bata pa talaga ang mga manlalaro ni coach Neil Paragas at kulang na kulang sa experience. Kumbaga’y may katotohanan din kahit paano ang kasabihang sa semis ay inihihiwalay na ang mga bata sa beterano.

Hayun at talagang pinulbos sila ng mga beterano ng Welcoat House Paints, Fash Liquid at BluStar. Hidi na sila pinaporma pa sa semifinal round.

Pero no problem naman para sa Sunkist.

Bakit?

Kasi hindi naman maapektuhan ang Sunksist ng pagkawala ng mga players na aakyat sa PBA. Sa kabilang dako, sangrekwang mga players ng Welcoat, Fash at Blu Star ang papanhik sa PBA matapos ang Platinum Cup. Tiyak na hihina ang mga kalaban ng Sunkist.

Halos intact ang Sunkist sa susunod na conference ng PBL. Kumbaga, sila na ngayon ang maituturing na beterano ng liga. Nakapagmatrikula na sila at handa na silang gumradweyt.

Kung sa kasalukuyang conference ay nabigo ang Sunkist, tiyak na mamamayagpag na sila sa susunod na tournament. Umiikot lang naman ang gulong ng kapalaran maging sa basketball.

ALEX COMPTON

BLU STAR

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

FASH LIQUID

HAPEE TOOTHPASTE

KOY BANAL

PLATINUM CUP

SUNKIST

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with