^

PSN Palaro

MGA NAPAG-IWANAN

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami ang nagdiwang nang matapos ang PBA Annual Draft noong isang Biyernes. Nakahinga ng malalim ang mga sikat tulad nina Rich Alvarez, James Yap, at marami pang iba. Pero, para sa labingwalong di nahirang ng kahit sinong team sa PBA, napakasakit. Sa bawat napipili, tila dumidilim ang kanilang mundo.

Tatlo rito ay nakapanayam ng Pilipino Star Ngayon, at sila’y pawang mga guwardiya na iba-iba ang pinagmulan.

Si Lou Gatumbato ay ang palabang point guard ng Blustar Detergent sa PBL.

Una siyang nakilala bilang rumaratsadang baguhan sa Iloilo MegaVoltz noong 2000. Sa huling dalawang taon, nagpahinog na siya para sa PBA. Marami ang nabilib sa kanya sa Rookie Camp, subalit, hindi kabilang doon ang mga coach sa PBA.

"Siyempre, disappointed ako," salaysay ng 5-8 na beterano. "Parang it serves as a challenge to me.May kailangan pa akong patunayan. May mga ways ang Lord para sa atin, so maybe not now. Maybe in the near future."

Si Richard Peter Michael naman ay matagal ding naghintay sa pagkakataon.

Naglaro ang Fil-Australian bilang guard-forward sa University of Sydney sa Australia. Nakatakda siyang pumasok sa 2003 draft, pero sumabit ang kanyang papeles. Nitong nakaraang taon, sumali siya sa mga liga sa iba-ibang barangay at subdivision, at naisipang magsanay sa ilalim ng mga assistant coach ng Purefoods.

"I did my best," bungad niya. "I just wanted the teams and coaches to see my hustle and my hard work. I did my best, and they didn’t notice, or maybe they thought I wasn’t quite ready. Sometimes you can’t go in through the front door."

Si Lyndon Lagat naman ang pinakamalakas ang dating sa mga draftee. Bagamat wala siyang karanasan liban sa paglaro sa Filipino-Canadian league, naglakas loob ang 5-8 na guard na bumalik sa Pilipinas upang makipagsapalaran.

"Di ko akalain na ganoon kadaming activities ang gagawin," paliwanag niya ukol sa camp. " kaya noong game na, nanakit na talaga yung katawan ko, lalo na sa weights. Di kasi ako sanay, e."

Ang masakit pa, binansagan si Lagat ng "The Messiah," at itinatanggi niyang sinabi niya na makakatulong siya sa "pagligtas" ng PBA. At hindi rin naman maganda ang kanyang ipinakita sa rookie Camp. Napakasakit din sa kanya’ng pagtawanan ng tao.

"Hindi talaga ako prepared tulad ng inaasahan ko sa sarili ko," dagdag niyang palusot. "kasi, pagod rin ako. Madami akong activities at saka nagbakasyon din ako. At the same time, nilakad ko pa yung PBA, madami ang kinausap kong tao para sa application ko. Nakakapagod talaga."

Pero hindi nawalan ng loob ang tatlo nating bida. Si Gatumbato at Michael ay maaaring magkita sa PBL, habang si Lagat ay umuwi na sa Canada, at nangakong babalik pagkatapos ng tatlong buwan upang subukan ang kanyang suwerte sa PBL. May ambisyon pa rin siyang pumasok sa Barangay Ginebra.

Tignan na lang natin.

BARANGAY GINEBRA

BLUSTAR DETERGENT

JAMES YAP

LAGAT

MARAMI

PERO

PILIPINO STAR NGAYON

RICH ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with