Wala nang bearing ang alas-4:00 ng hapon sagupaan ng Paint Mas-ters at Liquid Powers maliban sa pagkakaroon ng pagkakataong mag-kikilatisan ang dalawang koponang ito na maghaharap para sa titulo.
Mauuna rito, maghaharap naman ang mga nasibak sa kontensiyong Sunkist-UST at ang Blu Star Detergent sa alas-2:00 ng hapon sa isa pang non-bearing game na magsisilbing preview rin ng kanilang battle for third place.
Hangad ng Welcoat na higit pang map-ganda ang kanilang record na 13-4 para sa magandang pagtatapos habang nais naman ng Fash na makabangon sa kanilang nakaraang pagkatalo sa Blu Star na tumapos ng kanilang seven-game losing streak.
Ang Blu Star ay nag-iingat ng 9-8 kartada habang ang Sunkist ay may 8-9 kartada. (Ulat ni CVOchoa)