Sa imports na lang susugal ang Realtors at Gin Kings
January 23, 2004 | 12:00am
Hindi na susugal ang Sta. Lucia Realty at Barangay Ginebra sa mga bagong pangalan imbes ay sasandal na lamang sila sa mga nasubukan ng import para palakasin ang kanilang kampanya sa PBA Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22.
Kumbinsido na ang Realtors na kunin ang serbisyo ng dating Red Bull import na si Antonio Lang habang ang Gin Kings naman ay nakipagkasundo na sa dating FedEx import na si Jermaine Walker.
Isang dating manlalaro ng Duke University, ang 67 na si Lang ay naglaro ng dalawang kumperensiya Barakos. Pinamunuan nito ang first championship ng Red Bull may tatlong taon na ang nakakalipas ngunit pinalitan sa Finals sa nakalipas na dalawang taon. Naging bahagi din si Lang ng Duke squad na nag-back-to-back champion sa NCAA. Naging miyembro din ito ng ACC Team Third noong 1993-94.
Sa kabilang dako naman ang 66 na si Walker na kilalang slam dunk artist ay naglaro ng college ball sa University of Miami. Noong 1997 pinapirma ito ng Juve Caserta sa Italy ngunit pinakawalan din noong Disyembre. Sa sumunod na season, 1998-99, pumirma ito sa CBA sa LaCrosse Bobcats ngunit pagkaraan ng apat na laro ay pinakawalan din.
Sa kabilang dako naman, pumirma na si Miguel Noble sa Barangay Ginebra na pinakawalan ng Alaska Aces nang walang kondisyon. Makakasama din ng Gin Kings ang dating Purefoods na si Rodney Santos.(Ulat ni ACZ)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended