^

PSN Palaro

Praktisan lang

-
Pagpapraktisan ng mga finalists nang defending champion Welcoat at Fash ang kani-kanilang mga kalaban ngayon sa penultimate day ng semifinals ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.

Makakasagupa ng Welcoat ang Sunkist-UST sa alas-3:30 pagkatapos ng ala-1:30 ng hapong pakikipagduwelo ng Fash Liquid sa Blu Star Detergent sa dalawang no-bearing matches.

Wala nang silbi ang mga laro ngayon at sa Sabado matapos itakda ng Paint Masters at Fash ang kanilang championship showdown sa pamamagitan ng magkahiwalay na panalo noong Martes.

Ang Welcoat ay may 12-4 record habang ang Liquid Powers ay may 11-5 card na di na mahahabol pa ng Detergent Kings at Tigers na parehong bumagsak sa 8-8.

Ang best-of-five title series ay magsisimula sa Martes o Miyerkules.

Pinatalsik ng Fash sa kontensiyon ang Sunkist matapos itakas ang 87-86 panalo sa pamamagitan ng basket ni Peter June Simon habang dinispatsa naman ng Paint Masters ang Blu Star sa pamamagitan ng 75-64 kartada.

Kahit sigurado na sa finals, may isa pang mag-bibigay ng determinas-yon sa Liquid Powers at ito ay dugtungan ang kanilang record winning streak na pitong sunod na panalo. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ANG WELCOAT

BLU STAR

BLU STAR DETERGENT

DETERGENT KINGS

FASH LIQUID

LIQUID POWERS

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

PETER JUNE SIMON

PLATINUM CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with