^

PSN Palaro

Noble, inaalok ng Alaska sa Ginebra

-
Isa pang malaking tao ay hindi makakasakit sa Barangay Ginebra at malamang na makatulong pa sa Gin Kings na maging malakas na contender sa 2004 PBA Fiesta Cup na nakatakdang magsimula sa Pebrero 22.

Sa kasalukuyan, may negosasyong nagaganap para sa posibleng paglipat ni Miguel Noble mula sa Alaska at walang masyadong sangkot sa deal.

Handa naman ang Alaska na makipaghiwalay kay Noble na ang kon-trata ay pumaso na noong Disyembre 31 noong nakaraang taon at halos hindi na kailangan ito nang kunin ng Aces si Joaquim Thoss bilang No. 5 sa Draft Pick noong nakaraang Biyernes sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Ang 6’5 na si Noble ang tanging rookie na kinuha ng Alaska sa Draft Pick noong 2002 ngunit halos hindi nagamit ng Aces.

Kung malilipat si Noble sa Barangay Ginebra, makakasama niya sina Eric Menk, Romel Adducul, Alex Crisano at ang bagong kuha na si Andy Seigle sa matatag na frontline ng Gin Kings na gagarantiya sa kanilang dominasyon sa shaded area.

Nauna rito, pumirma na ng isang taong kontrata si free agent Noy Falcasantos at aakuin niya ang posisyon ni Chester Tolomia na tinanggal na sa roster.

Kinuha na rin uli ng Gin Kings si Jayjay Helterbrand para muling maka-partner ni Mark Caguioa.

Kasalukuyang nagta-tryout sa Gin Kings si Theodore Hawkins Jr., ang natatanging player na pinili ng Ginebra sa 2004 Draft. Ang 210 lbs. na si Hawkins ay napili sa ikatlong round.

Kinuha na rin ng Gin Kings ang serbisyo ni Kirk Collier bilang physical conditioning coach ng Gin Kings. Si Collier ay dating nagtrabaho sa Red Bull Barakos sa loob ng tatlong taon. (Ulat ni AC Zaldivar)

vuukle comment

ALEX CRISANO

ANDY SEIGLE

BARANGAY GINEBRA

CHESTER TOLOMIA

DRAFT PICK

ERIC MENK

FIESTA CUP

GIN KINGS

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

JAYJAY HELTERBRAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with