^

PSN Palaro

Giyera Na Naman!

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Heto na naman at nagsisimula na uli ang mga giyera sa ilang sports association.

Sinimulan ito ng basketball kung saan dalawang grupo ang nag-aaway para sa karapatan. O sa pangalan?

Sino nga ba ang karapat-dapat?

Pati ako nalilito na rin. Hindi ko nga malaman kung alin ang tunay. Basta sa pagkaka-alam ko ang tunay na may programa o ang magpapaunlad sa basketball sa ating bansa, na siyang number one sports o hobby ng Pinoy, ang dapat mangibabaw.

Pero sino nga?
* * *
Ang isa pang magulo ay ang chess. Pero tila dito hindi liderato ang nag-aaway kundi ang mismong mga players.

Kunsabagay, noong nasa Vietnam nga eh hindi pa nagsisimula ang chess tournament ay nag-aaway na ang mga players.

Pera daw ang pinag-aawayan. Ayaw kong patulan kasi nakakasira sa mga naghihintay sa magandang resultang ibibigay ng chess team na sa nagdebut pa lamang sa SEA Games sa Vietnam.

Ayaw ko ngang isulat ang mga away-away nila kasi nga, ayaw kong ipalaam sa ating mga kababayan na sila-sila mismo ang nag-aaway.

Bakit nga ba uli?
* * *
Ano ba itong nabalitaan ko na isang player agent at isang writer ang nag-away sa kasal ng isang sportswriter.

Ano ba ‘yan. Muntik na raw suntukin ni agent ang writer dahil sa hindi nito nagustuhan ang sagot tungkol sa kanyang hinahawakang player na inilalakad niya sa isang team manager.

Ang siste, ang away ng dalawa ay naganap sa reception kung saan parating pa lamang ang ikinasal. Nakiawat ang sportscribe na ikinasal para hindi matuloy ang away ng akmang susuntukin na sana ni agent si writer.

Kasi naman, hindi mag-ingat sa pananalita itong si writer. Marami ng galit sa kanya dahil sa sistema niya. Marami nga ang nagsasabing si "Mr know it all" daw ang palagay nito sa kanyang sarili.

Ganun?

vuukle comment

ANO

AYAW

BAKIT

GANUN

HETO

MARAMI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with