Si Marquez ang makakalaban ni Pacquiao
January 20, 2004 | 12:00am
Mas malaki ang tsansa na si Juan Manuel Marquez ng Mexico ang makakasagupa ni Manny Pacquiao, at hindi sina Paulie Ayala at Oscar Larios. Ito ang ipinahayag ng HBO.
Sinabi kahapon ni Rod Nazario, business manager ni Pacquiao, sa inaabang-abangang pagbabalik sa lonang parisukat ni Pacquiao sa 2004.
Si Marquez ay ang kampeon sa World Boxing Association at Inter-national Boxing Federation (IBF) featherweight division kung kayat siya ang tinatarget ng HBO na makarambulan ni Pacquiao.
"Siyempre mas attractive kapag si Marquez dahil nga maganda ang record niya at hawak niya ang dalawang titulo," wika ni Nazario.
Bagamat si Marquez ang napipisil ng HBO, maganda rin kung si Ayala o kaya ay si Larios ang ipares nila kay Pacquiao.
Si Ayala ay kilalang-kilala pa rin sa Amerika dahil nga sa mga laban niya kina Johnny Tapia at Erik Morales.
Si Larios naman ay maganda ring ilaban dahil sa hawak naman niya ang World Boxing Council superbantamweight title. Ayon sa WBC na naka-base sa Mexico City, papayagan nila si Larios na lumaban kay Pacquiao dahil malayo pa naman ang susunod na mandatory defense ng kampeon.
Naging bukambibig ang pangalan ni Pacquiao nang kanyang pasiklaban ang mga Mexicano sa Alamodome sa San Antonio, Texas, noong Nobyembre 2003.
Nilamog ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera sa loob ng 11 rounds upang makuha ang titu-long Peoples Champion sa featherweight category.
Maging ang Ring magazine ay kumilala sa ipinamalas ni Pacquiao sa kanilang pag-rating kay Pacquiao bilang No. 6 sa buong mundo sa Pound for Pound list, at No. 1 naman sa featherweight division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended