Ang 39-gulang na si Granger na tumulong ng apat na taon kay national coach Johnson Cheng sa paghubog sa mga national bowlers na kinabibilangan ni Rivera, ay naging matatag sa paggupo kay Australian Andrew Frawley, 232-223.
Pinanatili naman ng 29-gulang na si Rivera ang kanyang composure para magtala ng come-from-behind na panao laban kay Lee Sung II ng Korea, 178-161.
Bagamat hindi inaasahan ng RP Team ang match-up na ito, sinabi ni Cheng, "at least were guaranteed of getting somebody in the finals."
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban si Liza del Rosario kay Wendy Chai ng Malaysia na tangka ang semifinals berth at tsansa na mapanood ng live sa ESPN sa alas-2:30 ng hapon sa Linggo.
Si Granger ay buhat sa Louisiana ngunit dinala ni Cheng sa Pilipinas para makatulong nito sa pagti-train sa mga Pinoy bowlers kayat kinokonsidera na itong bahagi ng pamilya ng RP bowling.
Gumanap ng mahalagang papel sina Cheng at Granger sa tagumpay ng RP bowling noong 2003 kabilang ang panalo ni CJ Suarez sa World Cup at sa trios titles nina del Rosario, Cecilia Yap at Lisa Clutario sa World Championships.