Nagtala si Luis Palaganas ng game-high 23 points, kabilang ang pito sa 14-0 run katulong si Bonifacio Custodio tungo sa 53-42 halftime lead ng Maroons.
Dahil dito, nawalan ng tsansa ang San Lorenzo sa karera ng huling semifinals seat kung saan ang mga contenders ay ang Emilio Aguinaldo College at San Sebastian College-Cavite.
Bagamat talsik na sa kontensiyon, maaari pang magtala ng magandang pagtatapos ang Maroons na may 2-4 carryover win-loss record tulad ng sa Griffins.
Pinalakas naman ng EAC Generals, sa tulong ni Nino Songco na nagtala ng 30-puntos ang kanilang tsansa sa semis matapos ang 104-90 pananalsa sa pinapaborang Philippine School of Business Administration.
Pinarisan naman ito ng SSC-Cavite Baycats, na nakakuha ng 35 points mula kay Axel Doruelo para sa 95-65 paglampaso sa Rizal Technological University.
Tabla ang Generals at Baycats sa fourth na may parehong 3-3 slate patungo sa kanilang huling quarterfinal assignment ngayon.
Nasolo naman ng defending champion St. Francis of Assisi College ang pangunguna taglay ang 5-1 record matapos ang 99-82 panalo sa Philippine Maritime Institute na pinangunahan ni Ranidel de Ocampo na may 35 points.
Dahil dito, nakasiguro ang SFAC Doves ng twice-to-best privilege sa semis habang tabla ang Jaguars at PMI sa 4-2.