First round ng semis winalis ng Fash Liquid

Humataw si Allan Salangsang ng 20-puntos na sinuportahan naman ni Peter June Simon ng 18 kasama ang tatlong krusiyal na freethrow sa huling 7.5 segundo ng labanan nang pigilan ng Fash Liquid Detergent ang pagbangon ng Welcoat Paints tungo sa 70-66 panalo para makumpleto ang pagwalis ng unang round ng semifinals sa PBL Platinum Cup kagabi sa San Juan Gym.

Iginupo naman ng Blu Star Detergent ang Sunkist-UST, 65-60 upang lumakas ang kanilang tsansa para sa huling finals berth.

Umiskor si Allan Gamboa ng 14-puntos bukod pa sa kanyang siyam na rebounds habang nagdagdag naman sina KG Caneleta at Erick dela Cuesta ng tig-10-puntos para pangunahan ang Detergent Kings para sa kanilang unang panalo sa semifinals.

Itinala ng Liquid Powers ang kanilang ika-10 panalo sa 15 asig-natura na naglapit sa kanila sa kampeonato habang nalasap naman ng Paint Masters ang ika-4 na kabiguan sa 11 laro ngunit nanatili pa rin sila sa liderato.

Ang Blu Star ay umangat sa 8-7 kartada at katabla na nila ngayon ang kanilang biktimang Sunkist sa likod ng nangungunang Welcoat.

"We still have to sweep our last three games for us to get into the finals. Pero di muna namin iniisip ‘yan. Tinanggal muna namin ‘yung pressure. I told my boys to enjoy the game," wika ng winning coach na si Leo Isaac.

Halos kontrolado ng Detergent Kings ang laban kung saan ang kanilang pinakamalaking bentahe ay 11-puntos

Mula sa 58-pagtatabla ng iskor, isang 11-6 run ang pinakawalan ng UST Tigers sa pagbubukas ng final canto upang kunin ang 69-64 pangunguna.

Isang triple ang pinakawalan ni Ismael Junio na naging daan para makabalik sa trangko ang Blu Star tungo sa kanilang tagumpay.

Show comments