Taglay ng Paint Masters ang pinakamatayog na 11-3 win-loss slate kasunod ang Fash na may 9-5 kartada. Ang Welcoat ay nakakasiguro na ng play-off para sa ikalawang finals berth.
Magsasagupa naman ang Blu Star Detergent at Sunkist UST sa alas-2:00 ng hapon na parehong nasa must-win situation upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa finals.
Matapos matalo sa unang dalawang laro, ang Tigers at Detergent Kings ay kailangang manalo sa huling natitirang apat na laro para makahirit ng play-off para sa huling finals slot sa bisa ng 4-of-6 incentive rule.