Dahil sa kanilang panalo, ang Cebu ang nagkaroon ng karapatan para makatunggali ang kanilang naging biktima para sa korona ng nasabing kampeonato na itinataguyod ng Little League Philippines Inc., bilang baseball development ng bansa.
Ang Nueva Ecija na tiyak na sa kampeonato ay masyadong iningatan ang kanilang laro bilang paghahanda sa laban nila ngayon ay nagba-babadya ng katalunan sa kanilang taktika.
Nakauna ang Cebu ng sila ay umiskor ng dalawang run sa 1st inning sanhi ng isang hit at dalawang error ng Nueva Ecija.
Sa ikalawang inning, muling umiskor ang Cebu ng dalawa pang run upang palawakin ang kanilang kalamangan, 4-0.
Bagamat kontrolado ni pitcher Jonathan Bacarisas hanggang sa ika-5th inning ang laro, ngunit pagdating sa 6th inning ay biglang nagsa-gawa ng rally ang Novo Ecijanos at sinimulan ni Kenneth Sinulo ang atake ng siya ay makarating sa first base sa isang error ni George Igot.
Sa iba pang laro, nanalo ang Makati kontra sa Pampanga, 5-4.