^

PSN Palaro

Nueva Ecija sinorpresa ng Cebu

-
TALAVERA, NUEVA Ecija -- Sinamantala ng Cebu ang labis na pag-iingat sa laro ng Nueva Ecija para itala ang 4-2 panalo kahapon sa All High School National Baseball Championships sa Talavera National High School ground.

Dahil sa kanilang panalo, ang Cebu ang nagkaroon ng karapatan para makatunggali ang kanilang naging biktima para sa korona ng nasabing kampeonato na itinataguyod ng Little League Philippines Inc., bilang baseball development ng bansa.

Ang Nueva Ecija na tiyak na sa kampeonato ay masyadong iningatan ang kanilang laro bilang paghahanda sa laban nila ngayon ay nagba-babadya ng katalunan sa kanilang taktika.

Nakauna ang Cebu ng sila ay umiskor ng dalawang run sa 1st inning sanhi ng isang hit at dalawang error ng Nueva Ecija.

Sa ikalawang inning, muling umiskor ang Cebu ng dalawa pang run upang palawakin ang kanilang kalamangan, 4-0.

Bagamat kontrolado ni pitcher Jonathan Bacarisas hanggang sa ika-5th inning ang laro, ngunit pagdating sa 6th inning ay biglang nagsa-gawa ng rally ang Novo Ecijanos at sinimulan ni Kenneth Sinulo ang atake ng siya ay makarating sa first base sa isang error ni George Igot.

Sa iba pang laro, nanalo ang Makati kontra sa Pampanga, 5-4.

ALL HIGH SCHOOL NATIONAL BASEBALL CHAMPIONSHIPS

ANG NUEVA ECIJA

CEBU

GEORGE IGOT

JONATHAN BACARISAS

KENNETH SINULO

LITTLE LEAGUE PHILIPPINES INC

NOVO ECIJANOS

NUEVA ECIJA

TALAVERA NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with